^

PSN Palaro

Magkakampeon ang Gin Kings?

FREETHROWS - AC Zaldivar -
Mukhang hindi na mapipigilan pa ang Barangay Ginebra sa pagsungkit ng isa sa dalawang automatic semifinals berths sa Talk N Text-PBA Philippine Cup. Ito’y matapos na maiposte ng Gin Kings ang kanilang ika-11 panalo sa 15 games nang talunin nila ang Alaska Milk sa Quezon Convention Center sa Lucena City noong Sabado.

Kung sabagay, parang expected na ng karamihan na magwawagi ang Barangay Ginebra sa Alaska Milk dahil sa hindi pa nabibigo ang Gin Kings sa out-of-town games. Bago ang salpukan nila ng Aces sa Lucena City ay tinalo nila ang nagtatangol na kampeong Purefoods Chunkee Corned Beef sa Dumaguete City, ang Coca-Cola Tigers sa Cabagan, Isabela at ang Sta. Lucia Realty sa Puerto Princesa, Palawan.

Ang tropa ni coach Joseph Uichico ang siyang pinakamainit na koponan sa liga ngayon dahil sa mayroon silang five-game winning streak.

Kumbaga’y parang nagpi-"peak" ang Gin Kings sa tamang panahon at tila mahirap isiping madidiskaril pa sila. Ito’y sa kabila ng katotohanang mabibigat pa ang huling tatlong kalaban nila.

Makakaharap nila ang Sta. Lucia sa Biyernes sa Ynares Center, ang Red Bull sa Disyembre 20 at ang Talk N Text sa araw ng Pasko. Ang tatlong ito ay kabilang sa upper half ng team standings at humihirit pa rin para sa automatic semis berths o di kaya’y para sa automatic quarterfinals slots.

Ang maganda sa Ginebra ay nag-step up na ang mga manlalarong kinuha nito bago nagsimula ang season. Si Rudy Hatfield ay kundisyong-kundisyon na at nag-aaverage ng double-double. Katunayan, kontra sa Aces, si Hatfield ay nagtala ng 24 puntos, 16 na rebounds at limang assists at siyang pinarangalan bilang "Player of the Game."

Sina Rafi Reavis at Billy Mamaril ay pinakikinabangan na rin nang husto. Nagtulong ang dalawang ito upang punan ang pagkukulang ni Eric Menk na may dinaramdam na back spasms noong Sabado.

At siyempre, ibayong energy ang ibinibigay ni Ronald Tubid na nasungkit naman ng Gin Kings buhat sa Air 21 Express. Kumbaga’y hindi nababawasan ang energy level ng Gin Kings kapag inilabas ni Uichico ang leading scorer nilang si Mark Caguioa. At paminsan-minsan nga ay pinagsasabay pa ni Uichico ang dalawang ito.

Heto ang siste, sa huling apat na conferences ay dalawang beses na nakamit ng Gin Kings ang automatic semifinals berths. At sa mga pagkakataong iyon ay dumiretso ang Gin Kings at napanalunan ang kampeonato.

Kaya nga inaasahan ng mga Ginebra supporters na kapag nakuha ng Gin Kings ang isa sa dawalang automatic semis slots sa kasalukuyang torneo, magka-kampeon muli ang paborito nilang koponan.

Kaya?
* * *
HAPPY birthday kina Beth Celis at Alaska coach Tim Cone na kapwa magdiriwang sa December 14.

ALASKA MILK

BARANGAY GINEBRA

BETH CELIS

BILLY MAMARIL

GIN

GIN KINGS

KINGS

LUCENA CITY

TALK N TEXT

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with