Pacquiao nahaharap sa panganib
December 11, 2006 | 12:00am
Dahilan sa kanyang mga naipundar at naipong salapi, nanganganib ngayon ang buhay at pamilya ni Filipino boxing hero Manny Pacquiao.
Ayon sa isang intelligence report, tinatarget na dukutin ni Tahir Alonto ng kidnap for ransom group na Pentagon sa Davao City ang 27-anyos na si Pacquiao at maging ang mga miyembro ng pamilya nito.
Sa nakaraang laban ni Pacquiao kay Mexican legend Erik Morales sa "Grand Finale" Noong Nobyembre 18 sa Thomas & Mack Center sa Las Vegas, Nevada, nakatanggap ang tubong General Santos City ng $3 milyon o halos P150 milyon.
Subalit ito ay nabawasan na ng halos kalahati bunga na rin ng bahagi ng kanyang manager at trainer.
Kasalukuyang minamanmanan ng militar at pulisya ang bawat kilos ng Pentagon, dagdag ni Army 6th Infrantry Division Maj. Gen. Nehemias Pajarito.
Maliban kay Pacquiao, tinatarget rin umano ng grupo ni Alonto ang ilang malalaking negosyante sa Central Luzon upang dukutin at ipatubos para sa malaking halaga.(R.Cadayona)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Latest
Recommended
January 10, 2025 - 12:00am