Ang higanteng si Bo Yang ng China, reigning Asian at World flyweight champion ang nakatakdang kalabanin ni Payla upang makalusot at makasuntok sa gintong medalya.
Gayunpaman, bukod sa hawak na kredensiyal ng Intsik, mas matangkad ito at mas mahaba ang biyas na siyang bentahe ni Yang.
" Kailangan focus lang ako," wika ni Payla na gumising sa dugo ng mga Pilipino makaraang isiguro ang bronze medal. "Pera mas pinaghandaan ko ang laban sa Thai boxer. Siyempre kailangang tapusin ko muna ang Intsik bago ang Thai," dagdag pa ng 27 anyos na si Payla
Tiwala si Manny Lopez, pangulo ng Amateur Boxing Association na may tsansa ang kanyang bata kontra sa Chinese boxer, malaki ang pag-asa ni Payla kasi hindi naman masyado sa experience ang kalaban," wika ni Lopez.
"I think its a good match-up, although Bo Yang has a good footwork with the right distance. I believe Payla will catch him and be able to connect his punches because hes got more, speed," dagdag pa ni Lopez.
Gumamit si Payla ng kombinasyon ng lakas at bilis nang payukuruin niya si Omran Akbari ng Iran, 33-13 sa elims bago binugbog si Viet Quoc Tran, 35-11 upang isaayos ang laban kay Yang.
Panglima lamang si Payla sa Busan Asian Games noong 2002 at sa World Championships sa Thailand.
Nakatakda ang pinakahihintay na bakbakan na ito sa ganap na alas-2:30 (7:30 sa Manila) pagkatapos ng laban ni Somjit Jongjohor sa first finals berth laban naman kay Katsuaki Susa ng Japan kung saan pinapaboran ang Thai boxer sa weight na ito.
Samantala, dalawang baguhang boksingero ang aakyat sa ring sa pakikipagkita ni Godfrey Castro laban sa matinding si Suban Pannon ng Thailand sa semis ng lightflyweight at haharapin ni Joan Tipon ang isa pang Thai na si Worapoj Petchkoom sa bantamweright class.
Kasalukuyan namang nakikipaglaban si Genebert Basadre kay Serdar Hubayberdiyer ng Turkmenistan, habang sinusulat ang balitang ito.(DMV)