^

PSN Palaro

Silver ng RP hatid ni Rivero

-
DOHA -- Makaraan ang dalawang bronze, silver naman ang inihatid ng Philippine Taekwondo team nang isukbit ito ng 18 anyos na si Marie Antoinette Rivero sa taekwondo event ng 15th Asian Games dito.

Naging mailap sa kanya ang gintong medalya, na halos abot kamay na niya, makaraang payukurin ito ng Korean jin na si Hwang Kyeun-seon, sa finals at makuntento na lamang sa silver.

Sa dalawang beses nilang pagtatagpo ng Korean, dalawang beses din siyang bigo sa mas matangkad na kalaban. Una sa Athens Olympics kung saan panglima lamang ang Pinay jins at ikalawa ay sa Asian championships.

"We tried to find a way of defeating her (Hwang), because she was taller," ani Rivero, na ang silver medal ang nagpasigla sa kampanya hindi lamang ng kapwa niya jins kundi ng buong RP Team.

Sa kanyang pagtungo sa finals, isang impresibong panalo ang inilista nito laban kay Liya Nurkina ng Kazakhstan, 2-1 bago iginupo si Bui Thu Hien ng Vietnam, ang kanyang tinalo sa semis sa Manila SEA Games noong nakaraang taon.

Nabahiran ng kalungkutan ang araw ng jins nang matalo si Lorraine Lorelie Catalan sa kay Wun Yen Ni ng Chinese-Taipei sa 51 kgs. gayundin si Ernesto Mendoza III na yumuko din sa Taiwanese na si Chia-hsing Liao, 6-1.

Habang sinusulat ang balitang dalawa pang jins ang nakikipaglaban na sina Criselda Roxas at Tshomlee Go. (DMV)

ASIAN GAMES

ATHENS OLYMPICS

BUI THU HIEN

CRISELDA ROXAS

ERNESTO MENDOZA

HWANG KYEUN

LIYA NURKINA

LORRAINE LORELIE CATALAN

MARIE ANTOINETTE RIVERO

PHILIPPINE TAEKWONDO

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with