^

PSN Palaro

Ginto inaasahan sa billiards

- Dina Marie Villena -
DOHA -- Isa pang nagniningning na performance ang naghihintay sa Team Philippines nang isiguro nina Leonardo Andam at Antonio Gabica makaraang umusad sa semis ng 8-ball pool event at pag-asang masungkit angh kauna-unahang gintong medalya ng bansa dito sa 15th Asian Games.

Matapos, isubi ni Marie Antoinette Rivero ang unang silver medal noong Biyernes ng gabi, nakatuon naman ngayon ang pansin sa dalawang billiard players para sa kampanya ng bansa sa quadrennial event na ito na nilalahukan ng 45 bansa.

Nakatakdang makipaglaban si Andam kay Huang Kun chang ng Chinese-Taipei habang makikipagsarguhan naman si Gabica kay Satoshi Kawabata ng Japan kagabi (Sabado).

Naisiguro na rin ni Genebert Basadre ang isa pang bronze medal para sa bansa nang talunin nito si Serdan Hudayber-diyeb ng Turkmenistan sa pamamagitan ng Referee-Stopped Contest Outsclass.

Bunga ng panalong ito apat na boksingero ang nakasiguro ng bronze at pag-asang makakuha ng gintong medalya.

Sa pag-asinta ng Philippines sa kauna-unahang gintong medalya, patuloy naman ang pagratsada ng China na tatlong ginto na lamang ang layo para sa 100 gold medal bukod pa sa 53 silvers at 26 bronze. Naghahabulan naman ang Japan at South Korea para sa second overall kung saan lamang ang Japanese na may 31 golds sa 24 ng Koreans.

Sa kabuuan, matapos ang siyam na araw sa palaro, ang Philippines ay may isang silver at 4 bronze, kasama na ang 3 na nasiguro ng Philippine boxing team na posibleng magiba ang kulay sa kanilang nakatakdang laban sa quarterfinals.

Bahagyang nabuhayan ng pag-asa ang Philippines sa inaasam-asam na gintong medalya nang pumasok sa finals si Rivero sa welterweight division ng taekwondo makaraang manalo kay Liya Nirkina ng Kazakhstan, 2-1 at Vietnamese Bui Thu Hien.

Ngunit masyadong malakas ang kalabang Korean na si Hwang Kyung Seon para kay Rivero at makuntento sa silver.

Tatlo pang Pinoy jins ang nakatakdang lumaban kagabi ng Sabado at ito ay sina midlleweight Criselda Roxas, bantamweight Tshomlee Go at welter-weight Alexander Briones.

Sa bowling, sinimulan na ni SEAG Master champion Markwin Tee ang kanyang kampanya para sa Masters gold medal nang pumuwesto ito sa 11th sa unang bahagi ng kompetisyon makaraang magrolyo ng 1,715 may 136 pin-falls na layo sa nangungunang si Jo Nam Yi ng South Korea.

Nakatakda ding tumalon sina Henry Dagmil at Joebert Delicano sa long jump finals kagabi.

Bagamat pang-14th lamang, malaking konsolasyon kay Alfie Catalan na talunin ang karibal na Malaysian na si Amir Mistafa Rusli sa men’s individual pursuit ng cycling event.

Sa Khalifa tennis courts, nagwagi sa unang asignatura sina Fil-Am Cecil Mamiit at Eric Taino sa men’s singles. Tinalo ni Mamiit si Rajeev Rajapakse ng Sri Lanka, 6-0, 6-0 at ginapi naman ni Taino si Edgar Wong ng Macau, 6-1, 6-0.

ALEXANDER BRIONES

ALFIE CATALAN

AMIR MISTAFA RUSLI

ANTONIO GABICA

ASIAN GAMES

CRISELDA ROXAS

EDGAR WONG

ERIC TAINO

FIL-AM CECIL MAMIIT

SOUTH KOREA

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with