Noong Huwebes, napunit ang unipormeng short ni Payla makaraang itala ang impresibong Referee-Stopped Contest outclassed sa ikatlong round kay Jitender Kumar ng India.
"Sa totoo lang apat na boksingero ata ang magkakasosyo sa uniporme sa isang team," wika ni Payla. "Pero balewala lang sa kin yun. Basta ang mahalaga ay nakasiguro na tayo ng bronze at target kong makuha ang gold," mapagkumbabang pahayag ng 27 anyos na si Payla.
"Kahit walang suot lalaban ako para sa ating bansa," dugtong pa ni Payla na ang susunod na makakalaban ay si Bo Yang ng China sa semifinals sa Disyembre 10.
Tulad ng isang magiting na mandirigma, walang makakapigil kay Payla para sa pangarap na masungkit ang gold medal para sa bansa.
"Naghahanda na ako sa susunod kong laban. Pero kailangang manalo muna ako ditto sa Chinese para sa susunod kong laban kontra naman sa Thai na Somjit Jongjohor," ani Payla na winalis ang lahat ng tatlong naunang laban sa pamamagitan ng kumbinsidong panalo.
"At kung sakaling manalo ako ng ginto, at tumanggap ng insentibong P1M, bibilli ako at pati na rin ang mga kapwa ko boksingero ng tiglimang set ng uniporme. (Dmv)