Arellano naasahan ng Sista
December 8, 2006 | 12:00am
Katulad ng dapat asahan kay Samigue Eman, hindi siya naging dominante sa kanyang kauna-unahang laro para sa Super Sealers.
Sa halip, muling binanderahan ni point guard Marcy Arellano ang Sista Super Sealants nang kumabig ng team-high 18 puntos para sa kanilang 77-69 paggupo sa Cebuana Lhuillier sa eliminasyon ng 2006 PBL Silver Cup kahapon sa Olivarez Sports Center sa Parañaque.
Ang nasabing panalo ang nag-angat sa baraha ng Super Sealers sa 4-2 sa ilalim ng Ha-pee-PCU Teethmasters (5-0) at kasunod ang Mail & More Co-mets (3-2), habang natikman naman ng Moneymen ang kanilang ikalawang dikit na kabiguan para sa kanilang 2-3 rekord.
Dalawang charities ni Macky Escalona at isang three-point shot ni Don Dulay ang naglapit sa Cebuana Lhuillier sa 63-68 sa 2:22 nito bago ang tres ni Kelvin Gregorio na muling naglayo sa Sista sa 71-63 sa huling 1:23.
Huling nakadikit ang Money-men sa 69-74 buhat sa freethrows nina Doug Kramer at Ken Bono sa nalalabing 24.3 segun-do kasunod ang split ni Arellano at basket ni Gregorio para sa 77-69 bentahe ng Super Sealers sa huling 16.2 tikada.
Nanalo naman ang TeleTech (3-2) kontra sa Magnolia (1-5) sa ikalawang laro.

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Latest
Recommended