Makikipagsuntukan ang 21 anyos na si Castro, pumalit sa sinuspinding si Harry Tanamor, kay Al Amhry Ali Saad ng Saudi Arabia sa kanilang lightfly-weight bout na magsisimula sa alas-2 ng hapon (alas-7 sa Manila).
Kapag nagwagi si Castro sa kanyang Arabong kalaban, uusad ito sa semis ngunit mas mabigat na kalaban ang kanyang masasagupa sa katauhan ni Thai boxer Pannon Suban, na nakatakdang makipaglaban naman sa Iraqi boxer na si Ali Najah.
Sa kabilang dako, makikipagtipan naman si Tipon sa North Korean boxer na si Kim Won Guk sa kanilang bantamweight bout.
Kung magtatagumpay si Tipon, makakaharap niya ang magwawagi sa pagitan nina Adel Chakeri ng Qatar at Petchkoom Worapoj ng Thailand.
Limang boksingerong Pinoy na lamang ang natira sa 7-man na kasali makaraang mabigo sina Delfin Boholst at Francis Joven sa kanilang naunang laban. (DMV)