^

PSN Palaro

Sista palalakasin ni Eman

-
Bagamat hindi pa tiyak kung nasa kanyang pamatay na porma, inalis ng Sista Super Sealants mula sa injury list si 6-foot-9 Samigue Eman.

Ayon kay head coach Ca-loy Garcia, ang hindi paglalaro ng 24-anyos na si Eman sa una nilang limang laro sa 2006 PBL Silver Cup ang nagpapa-lambot sa depensa ng Super Sealers, lalo na sa shaded lane.

"With Eman around, we have now a legitimate center," ani Garcia sa tubong Davao City. "Kahit limited muna ang oras niya sa loob, tiyak na ma-kakatulong siya ng malaki sa team."

Posible pang hindi makita sa aksyon si Eman, hindi nakapasa sa 2006 PBA Draft dahilan sa kanyang problema sa dokumento, para sa kan-yang unang laro, dagdag pa ni Garcia.

Sasagupain ng Sista ang Cebuana Lhuillier ngayong alas-2:00 ng hapon bago ang upakan ng TeleTech at Mag-nolia Dairy Ice Cream sa alas-4 sa Olivarez Sports Center sa Parañaque.

Hawak pa rin ng Hapee-PCU Teethmasters ang pa-ngunguna mula sa kanilang 5-0 rekord kasunod ang Super Sealers (3-2), Moneymen (2-2), Harbour Centre Port Mas-ters (2-2), Titans (2-2), Mail & More Comets (2-2), Toyota Otis Sparks (2-2), Spinners (1-3) at Kettle Korn-UST Pop Kings (0-5).

Nanggaling ang Sista sa 58-65 pagkatalo Mail & More, samantalang nagmula naman ang Cebuana Lhuillier sa 61-68 kabiguan sa TeleTech. 

Muling aasahan ng Super Sealers sina Marcy Arellano, Kelvin Gregorio, Gilbert Mala-banan, Jam Alfad at Eder Sal-dua katapat sina Ken Bono, Doug Kramer, Macky Escalo-na, Erick Dela Cuesta at Mark Abadia ng Moneymen.  (Russell Cadayona)

CEBUANA LHUILLIER

DAIRY ICE CREAM

DAVAO CITY

DOUG KRAMER

EDER SAL

EMAN

ERICK DELA CUESTA

GARCIA

SUPER SEALERS

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with