Gabica, Andam aasahan ng ginto
December 7, 2006 | 12:00am
DOHA Wala ang malalaking pangalan at wala rin ang mga pambato ng bansa, gayunpaman, umaasa ang Philippine billiards team na makahagip ng medalya sa kanilang pagsargo sa 8 ball at 9 ball ng cue sports dito sa 15th Asian Games.
Sa pagkawala ng mga sikat at bigating cue artists ng bansa na tulad nina Efren Bata Reyes, Francisco Django Bustamante at maging ang reigning World Pool champion na si Ronnie Alcano, isasalang ng bansa sina Antonio Gabica at Leonardo Andam sa 8-ball , Gabica at ang batang si Jeffrey de Luna sa 9-balls.
Nakatakdang simulan ng Pinoy cue artists ang kanilang kampanya sa pagsargo nina Gabica at Andam sa round of 32 sa ganap na ala-una ng ha-pon, (alas-5:00 p.m. sa Manila), habang tutumbok naman sina De Luna at Gabica sa 9-ball makalipas ang ilang oras.
Nakatakdang simulan ni Gabica ang kanyang kamapanya laban sa Mongo-lian na si Gundsambuu Baatarchuluun habang makipagtumbukan naman si Andam sa Vietnameses cue artist na si Nguyen Hoang Lam.
Nakatakda ring tumumbok sina De Luna at Gabica. (DMV)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Latest
Recommended