Minultahan ng PBA Commissioners Office sina Guiao at Lim ng P65,000 at P50,000, ayon sa pagkaka-sunod hinggil sa kanilang suntukan sa second quarter ng labanan ng Bulls at Phone Pals noong Huwebes sa Tacloban City na pinagwagian ng una, 104-76. Multang P1,600 naman ang ipinataw kay Talk N Text slotman Asi Taulava at P1,000 kay Carlo Sharma ng Red Bull ukol sa kanilang tirahan sa nasabi ring yugto.
"I want to announce that because of this incident, including the past incidents involving player altercations and other matters involving coaches complaining on court and showing actuations that really are not beco-ming of head coaches, the PBA will now start clamping down on inappropriate behavior like this on court," ani Eala.
Sa kabuuan, umabot sa P597,600 ang multa mula sa 15 players at 18 team staff na nakasama sa naturang kaguluhan sa Tacloban City.
Ang iba pang namultahan sa kampo ng Bulls ay sinaLeo Najorda, Celino Cruz, Larry Fonacier, Junthy Valenzuela,Cyrus Baguio, Warren Ybanez, Enrico Villanueva, assistant coaches Roehl Nadurata, Rudy Hines at Gelacio Abanilla, team physician John Lim at team staff Jay Llanos Dee, Elmer Bola-Bola, Edgar Fernandez, Marlon Celis at Dominador Deocareza.
Sina Anthony Washington, Jimmy Alapag, Harvey Carey, Patrick Fran, Victor Pablo, coach Derrick Pu-maren, assistants Tonichi Yturri, Bong Ramos, Ferdi-nand Ravena at Agustin Tiongco at team staff Ahmed Baylen, Eugene Hermosa, Julius Ipo at Cedar Destura ang sa tropa naman ng Phone Pals.
Samantala, pinigil naman ngCoca-Cola ang kanilang seven-game losing slump matapos takasan angAlaska Milk, 85-81, at makasilip ng tsansa sa wildcard phase ng 2006 PBA Philippine Cup kahapon sa Araneta Coliseum.
Ang Tigers ay may 4-11 baraha ngayon, habang nalaglag naman sa 5-9 ang rekord ng Aces, nabaon sa isang 17-point deficit sa third period. (RCadayona)