^

PSN Palaro

May maaasahan ang Mail & More

-
Ito na ang pinakama-gandang laro ni JR Quiña-han para sa bago niyang koponan.

Humaltak ang Cebuano slotman ng 21 puntos, 9 re-bounds, 4 shotblocks at 2 assists para ihatid ang bagi-tong Mail & More sa 67-58 paggupo sa Magnolia Dairy Ice Cream sa eliminasyon ng 2006 PBL Silver Cup kahapon sa Letran College Gym sa Intramuros.

Kumolekta ang 6-foot-5 na si Quinahan ng 10 mar-ka sa third period kung saan lumayo ang Comets patu-ngo sa kanilang two-game winning streak at 3-2 sa kabuuan.

Kumalawit naman si 6’8 Nigerian Samuel Ekwe ng team-high 18 puntos para sa Spinners, may 1-3 kartada ngayon, kasunod ang 9 ni Yousif Aljamal, walang nais-kor sa fourth quarter.

Matapos kunin ang first period, 14-13, kumamada ng 27 puntos ang Mail & More sa kabuuan ng second quarter upang iwanan ang Magnolia sa 41-31 bago ilista ang malaking 59-42 abante sa pagbungad ng final canto.

Sapat na ang nasabing bentahe para dumalawa ang Comets matapos mangga-ling sa kumbinsidong 65-58 paggapi sa Sista Super Sealers noong Sabado.

Nag-ambag si Marvin Yambao ng 10 marka para sa Mail & More kasunod ang tig-8 nina Mike Bravo at Nestor David. (RCADAYONA)

CEBUANO

LETRAN COLLEGE GYM

MAGNOLIA DAIRY ICE CREAM

MARVIN YAMBAO

MIKE BRAVO

NESTOR DAVID

NIGERIAN SAMUEL EKWE

SILVER CUP

SISTA SUPER SEALERS

YOUSIF ALJAMAL

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with