Na nakalipas na tatlong araw simula ng magbukas ang aksiyon sa boxing competition sa Aspire Hall 5, limang Pinoy boxers na ang nakalusot sa kani-kanilang asignatura at ang pinakahuli ay si Genebert Basadre na nalusutan ang pinapaborang Pakistani na si Ali Shah.
Hindi naging madali ang daan para sa 22-anyos na si Basadre nang bigyan siya ng matinding left hook ni Shah, silver medallist sa lightweight sa Busan Asian Games, na nagpatulala kay Basadre.
Pansamantalang natigilan, inayos ang head gear at buo ang loob na ka-yang tapusin ang laban, nang bumawi ito sa ikaapat na round at umiskor ng 7-3 para tapusin ang laban sa kapana-panabik na 20-19 iskor.
"Muntik na. Magaling ang Pakistani at kinailangan ko talagang magtrabaho ng husto para maipanalo ang laban," ani Basadre na ang susunod na maka-kalaban ay si Serdar Hudayberdijev ng Turkmenistan sa quarterfinals at umaa-sang maisuntok ang ikalawang panalo para makasiguro ng bronze medal.
Limang Pinoy ang kumakatok sa pintuan ng medal board na kinakatukan nina Godfrey Castro, Joan Tipon, Violito Payla, Anthony Marcial at Basadre.
Samantala, kasalukuyang nakiki-paglaban si Delfin Boholst kay Shin Myung Hoon ng Korea sa light welter-weight class, habang sinusulat ang balitang ito. (DMVILLENA)