^

PSN Palaro

Motorcade sa pagdating ni Boom Boom sa Tagbilaran

-
Katulad ng pag-uwi ni Manny Pacquiao sa General Santos City, isang motorcade rin ang inihahanda ng Tagbilaran City para sa pagbabalik ni Rey "Boom Boom" Bautista bukas ng tanghali mula sa Los Angeles, California.

Ang naturang parada para sa 20-anyos na si Bautista ay pangungunahan ni Tagbi-laran City Mayor Dan Neri Lim.

Nanggaling ang pambato ng Candijay, Bohol mula sa isang fourth round Technical Knockout (TKO) laban kay Brazilian super bantamweight champion Giovanni Andrade kamakalawa sa St. Pete Times Forum sa Tampa, Florida.

Ang nasabing tagumpay ni Bautista ang nagpatibay sa kanyang win-loss record sa 21-0 tampok ang 16 KOs.

Ayon kay Bautista, ipinangako sa kanya ni Golden Boy Promotions president Oscar Dela Hoya na mapapabilang siya sa kanilang welterweight championship fight ni Floyd Mayweather, Jr. sa Mayo 5 sa United States.

"Basta ang pangako sa akin ni Mr. Oscar Dela Hoya ay isasama niya ako sa undercard sa laban nila ni Mayweather sa Mayo," ani Bautista, nasa ilalim ngayon ng Golden Boy Promotions ni Dela Hoya.

May plano naman ang manager ni Bautista na si Tony Aldeguer na ibilang si Bautista sa pinaplanong Philippines vs. Mexico World Cup sa Pebrero.

"Kakausapin ko muna siya kung saan niya gustong lumaban kasi lahat naman ng mga boxers ko kino-consult ko muna," wika ni Aldeguer. (Russell Cadayona)

BAUTISTA

BOOM BOOM

CITY MAYOR DAN NERI LIM

DELA HOYA

FLOYD MAYWEATHER

GENERAL SANTOS CITY

GIOVANNI ANDRADE

GOLDEN BOY PROMOTIONS

LOS ANGELES

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with