Ginebra ayaw bumitiw sa unahan
December 4, 2006 | 12:00am
Matapos iposte ng Air 21 ang isang 16-point lead sa third period, alam na ni Barangay Ginebra head coach Jong Uichico ang kanyang gagawin.
"We played very aggressive in the bottom of the third period going into the fourth quarter," wika ni Uichico. "We have to take them away from their comfort zone para magkaroon kami ng chance to turn the game around."
Sa naturang estratehiya, tinalo ng Gin Kings ang Express, 116-105, tampok rito ang conference-high 35 puntos ni Mark Caguioa, para angkinin ang pamumuno sa classification phase ng 2006 PBA Philippine Cup kahapon sa Araneta Coliseum.
Nag-ambag rin si Jay-Jay Helterbrand ng 25 marka para sa 10-4 kartada ng Ginebra, sumasakay ngayon sa isang four-game winning streak para sa inaasam na outright semifinals ticket, habang naantala naman ang paglapit ng Air 21 sa quarterfinals mula sa kanilang 6-8 baraha.
Isinara ng Express ang first half bitbit sa likod ng kanilang 54-48 abante bago ito palobohin sa 72-56 mula sa basket ni Yancy De Ocampo sa 6:49 ng third quarter.
Kumamada naman ng isang 11-0 bomba ang Gin Kings buhat kina Caguioa, Helterbrand at Rudy Hatfield, humatak ng 13 puntos at 13 rebounds, para idikit ang laban sa 67-72 at tuluyan nang tumabla sa pagsasara nito, 81-81.
Ang isang 3-pointer ni Wynne Arboleda at jumper ni rookie Arwind Santos sa 6:59 ng final canto ang nagpatikim sa Air 21 ng kanilang huling bentahe sa 95-94 kasunod ang isang 15-5 bomba ng Ginebra upang ilista ang 109-100 lamang, 1:13 rito.
Habang sinusulat ang balitang ito, naglalaban ang Sta. Lucia (9-4) at Talk N Text (7-7). (RC)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Latest
Recommended