^

PSN Palaro

Magiging abala ang RP athletes ngayon

-
DOHA — Aakyat sa lona ang dalawang Pinoy boxer para sa kanilang pinakahihintay na debut sa Asian Games, habang magsisimula na rin ang kampanya ng billiards dito sa 15th Asian Games.

Nakatakdang makipagpalitan ng suntok sina Godfrey Castro at Joan Tipon sa kani-kanilang kalaban upang simulan ang kampanya na maibsan ang pagka-uhaw sa Asian Games gold medal. Makakaharap ni Castro, pumalit kay Busan Asian Games silver medallist Harry Tanamor, si Zamzai Azizi ng Malaysia sa ganap na alas-2 ng hapon (alas-7 ng gabi sa Manila) kung saan sakaling manalo ay makakalaban naman ang magwawagi sa pagitan nina Issac Ranos Yeferdson ng Timor Leste at Ali Saad Al Ahmry ng Saudi Arabia.

At kung susuwertihin, makakalaban naman niya ang beteranong si Suban Pannon sa lightfly class

Sa kabilang dako nakatakdang makipagtipan si Tipon kay Liu Shih Jung ng Taipei at kapag nagpatuloy ang panalo malamang na makaharap ang Thai veteran na si Worapoj Petchkoon sa semis ng bantamweight division. Sasabak din sa aksiyon si Genebert Basadre laban naman sa Pakistani na si Asghar Ali Shah sa isa sa lightweight bouts sa Aspire Hall 5.

Sa Qatar Bowling Center, magbabalik sa paghukay ng medalya ang RP bowlers sa men’s at women’s doubles competition.

Sa tennis, papalo sa aksiyon ng round of 16 ang RP tennis team na binabanderahan nina Fil-Am at SEA Games gold medallists Cecil Mamiit at Eric Taino at local bets John PJ Tierro sa men’s team event sa Khalifa International Tennis and Squash Complex bandang alas-10 ng umaga dito (alas-5 ng hapon sa Manila) habang ang women’s squad naman nina Czarina Mae Arevalo at Denise Dy ay sasabak sa alas-4 ng hapon.

Magpapakitanggilas naman sa larangan ng cue sports sina Leonardo Andam at Alvin Punzalan sa kanilang pagsalang sa snooker table sa panimula ng doubles competition habang sasargo naman si Reynaldo Grandea sa English billiards singles sa Al Sadd Sports Club.

Sa iba pang palaro ngayon, sa Sports City papalo ang tambalang Parley Tupaz at Rhovyl Velayo laban kina Li Jian at Zhou Chun ng China sa men’s beach volleyball.

Sa kalsada ng Doha, pepedal si Baby Marites Bitbit sa women’s road race simula alas-12:30 ng tanghali habang magbabalik aksiyon si Roel Ramirez sa men’s all-around event ng gymnastics sa Aspire Hall.

Makikipagbuno naman sina judokas Gilbert Ramirez at Estie Gay Liwanen sa judo event, Benjie Tolentino at Jose Rodriguez sa men’s doubles skulls repechage sa rowing, Daniel Coakley, Kendrick Uy (men’s free), Erica Totten at Marichu Gandiongco (women’s 400m free), Gerard Bordedo ( men’s 100m breast), Totten at Gandiongco women’s 200m fly sa Hamad Aquatic Center. (DMV)

vuukle comment

AL SADD SPORTS CLUB

ALI SAAD AL AHMRY

ALVIN PUNZALAN

ASGHAR ALI SHAH

ASIAN GAMES

ASPIRE HALL

BABY MARITES BITBIT

BENJIE TOLENTINO

BUSAN ASIAN GAMES

CECIL MAMIIT

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with