^

PSN Palaro

TeleTech, Mail & More nakabangon

-
Umiskor ng malalaking panalo ang TeleTech at Mail & More sa magkahiwalay na laro kahapon ng PBL Silver Cup sa Emilio Aguinaldo College gym.

Tiyak nina Ariel Capuz at Al Magpayo na hindi na magkukulapso ang TeleTech matapos umiskor ng mga clutch baskets sa end-game nang igupo ng Titans ang Cebuana Lhuillier, 68-61 sa unang laro.

Sa second game, nag-deliber na rin sa wakas si JR Quiñahan para sa Mail & More nang pigilan ng Comets ang pagbangon ng Henkel Sista-St. Benilde tungo sa kanilang 65-58 panalo.

Matapos ang nakakadismayang performance sa nakaraang laro, bumawi si Quiñahan na kumamada ng 16 points at 9 rebounds upang pamunuan ang Comets sa kanilang ikalawang panalo para makatab-la sa Titans at Moneymen sa 2-2 panalo-talo. Bumag-sak naman ang Super Sealers sa 3-2 sa likod ng malinis na 5-0 kartada ng nangungunang Hapee-PCU.

Muntik nang masayang ang 20-puntos na bentahe ng Titans sa ikatlong quarter nang makalapit ang Money-men sa 55-60 ngunit umiskor si Magpayo ng tres na sinundan ng short jumper ni Capuz upang iselyo ang ka-nilang tagumpay. (MBalbuena)

vuukle comment

AL MAGPAYO

ARIEL CAPUZ

BUMAG

CAPUZ

CEBUANA LHUILLIER

EMILIO AGUINALDO COLLEGE

HAPEE

HENKEL SISTA-ST. BENILDE

SILVER CUP

SUPER SEALERS

  • Latest
  • Trending
Latest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with