Si Boom Boom naman ang sasabak ngayon
December 3, 2006 | 12:00am
Matapos ang dalawang sunod na kabiguang maipakita ang kanyang kakayahan, ito na ang pagkakataon ni Filipino boxing sensation Rey "Boom Boom" Bautista na maipagmalaki ng sambayanang Pilipino.
Sasagupain ngayon ng 20-anyos na si Bautista si Brazilian super ban-tamweight champion Giovanni Andra-de bilang undercard sa middleweight championship fight nina Winky Wright at Ike Quartey sa St. Pete Times Fo-rum sa Tampa, Florida, USA.
"Pagkakataon ko na ito at hindi ko na pakakawalan dahil para ito sa bansa natin," wika ng tubong Bohol na nagda-dala ng 20-0 win-loss record kasama ang 15 knockouts.
Dalawang beses hindi nakita sa ibabaw ng lona si Bautista matapos magkaroon ng sakit noong Hulyo sa Manny Pacquiao-Oscar Larios bout sa Araneta Coliseum at makalasap ng isang collar bone injury noong Oktub-re sa Marco Antonio Barrera-Rocky Juarez fight.
Huling nakita sa aksiyon si Bautista noong Mayo 20 nang gibain si Roberto Bonilla sa third round, samantalang ga-ling naman si Andrade sa isang sixth-round stoppage kay Sixto Vera Espi-nola noong Agosto 24.
Matapos ang naturang mga kama-lasan, naging maigting ang pag-eensa-yo ni Bautista sa Cebu City bago nagtu-ngo sa Wild Card Boxing Gym ni Ame-rican trainer Freddie Roach na siyang uupo sa kanyang corner.
Ibinabandera ng 36-anyos na si Andrade ang kanyang matayog na 52-9 card tampok ang kanyang 43 KOs.
Tumimbang si Bautista ng 122 pounds sa isinagawang weigh-in sa Hyatt Regency Tampa sa Florida, habang 123 naman si Andrade. (Russell Cadayona)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Latest
Recommended