Ilan dito ay may mga laro pa kinabukasan.
Dahil sa sobrang higpit na security, kawawang naghintay ang may 120 atleta at opisyal ng masasakyan sa gitna ng umuulan at nakapalamig na panahon kung saan nagsisimula na ang winter sa bansang ito na mayaman sa langis.
Nagmamakaawa na papasukin man lang sana sa loob ng stadium, hindi dininig ng security officers ang kanilang daing hanggang sa bumuhos ang malakas na ulan at parang mga basang sisiw ang mga Pinoy na kinabibilangan ng flag-bearer na si Paeng Nepomuceno.
Halos magriot sa pag-uunahan sa pagpasok sa loob nang pinilit ng mga Hapones, Indonesians na makapasok matapos papasukin ng security men ang isang Qatari athlete. Galit na lahat dahil nanginginig na sa lamig at basang-basa na," wika ni Nestor Ilgan, delegation administrative officer na kasama sa grupo ng Philippine Olympic Committee officials na sina Joey Romasanta at Julian Camacho na nagmartsa.
At nang dumating na rin ang mga sasakyang bus halos nagtagal pa rin ang mga atleta dahil sa kulang sa 30 minutos na security checks . (DMVillena)