Swimmers, cyclists magtatangka rin
December 3, 2006 | 12:00am
DOHA -- Sasabak din sa aksiyon ngayon ang swimmers kung saan limang Pinoy tankers ang hahataw sa heats sa 100m butterfly, 200m free-style, 50m breastroke sa alas-10 ng umaga sa Hamad Aquatic Center.
Kapag nakalusot sa kani-kanilang heats sina Fil-Am James Walsh at Ernest Dee sa 100m fly, Miguel Molina at Kendrik Uy sa 200m free at Molina at Gerard Bordado sa 50m breast, lalangoy sila sa finals na nakatakda sa ganap na alas-6 ng gabi dito (11pm sa Manila).
Papadyak naman ngayong araw sina Tour champion Warren Dava-dilla at Ericson Obosa sa pakikipagkarera nila sa mga pina-kamahuhusay na riders sa Asya sa mens individual road race.
Bukod pa sa mabigat na hamon mula sa mga bigating riders mula sa China, Iran, Japan at Ko-rea, isa pang balakid ang nakaharang sa landas ng Pinoy riders, at ito ay ang madulas na daan na sanhi ng walang tigil na pag-ulan dito.
Samantala, sasalang din ang 7-time SEAG champion na si John Bay-lon sa 81 kgs. division ng judo event sa Qatar Sports Club Indoor Hall.
Sa Al-Dana Club, patuloy ang pakikibaka nina IMs Darwin Laylo at Ronald Dableo at Jedara Docena sa susunod na three rounds ng mens at womens rapid chess events. Kasaluku-yang nakikipagsulungan ang mga batang chess pla-yers para maka-kuha ng finals berth habang sinusulat ang balitang ito.
Magbabalik ak-siyon naman ang soft tennis maka-raang makansela ito kahapon kung saan makikipagpaluan sina Wenifredo de Leon, at Orlando Sil-voza kina Li Chia at Yang Sheng Fa ng Chinese-Taipei. (DMVillena)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Latest
Recommended