^

PSN Palaro

RP bowlers inaasahang maka-gold

-
DOHA -- Papagitna ngayon ang isa sa inaasahang sports na maka-kapagbigay ng gold medal sa bansa sa pagsabak sa aksiyon ng bowling sa pagpapatuloy ng 15th Asian Games.

Pinakaabangan ngayon na may magandang tsansa ang bowling team na aasinta ng unang dalawang gold sa nakatayang 12 golds sa Qatar Bowling Center.

Gayunpaman, haharapin ng RP lady bowlers na binubuo nina Liza del Rosario, Cecilia Yap, Jojo Canare, Irene Garcia-Benitez, at Maryann Posadas ang mabigat na hamon na magmumula sa mahuhusay ding bowlers mula sa Malaysia, Singapore, at Middle East countries higit sa lahat mula sa host Qatar na may bentahe sa lane condition bukod sa suporta ng mga kababayang Qataris.

"Sila ang paborito ngayon," wika ni RP coach Bong Coo, kung saan paborito ang mga Pinay bowlers na makakasungkit ng gintong medalya para sa bansa.

Mahigpit na hamon din ang nakaatang sa men’s bowling team kung saan papasada sina 4-time World Cup champion Paeng Nepomuceno kasama sina reigning world singles champion Biboy Rivera, dating World Cup winner CJ Suarez, Asian Games Masters king Markwin Tee, Chester King, at Tyrone Ongpauco sa singles competition.

" This is going to be like the sprints," wika ni Nepomuceno. " Mahirap dito kasi suwertihan din dahil nga maikli lamang ang laban, mula 12 games naging 6 games na lang," sabi pa ni Nepomuceno, ang flag bearer ng Team Philippines sa opening ceremony noong Biyernes ng gabi. (DMV)

vuukle comment

ASIAN GAMES

ASIAN GAMES MASTERS

BIBOY RIVERA

BONG COO

CECILIA YAP

CHESTER KING

IRENE GARCIA-BENITEZ

JOJO CANARE

MARKWIN TEE

WORLD CUP

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with