^

PSN Palaro

May ipinakita si Molina

- Dina Marie Villena -
DOHA -- Nagpakitang-gilas ang swimmer na si Miguel Molina, ang inaasahan sa swimming, kahit na pansamantala lamang, nang makapasok ito sa finals ng men’s 400m individual medley sa Hamad Aquatic Center dito.

Ang triple gold medallist sa Philippine SEA Games noong nakaraang taon, ay pumangalawa sa kanyang heat ilang segundo lamang kay Han Kyu Chung South Korea.

Naorasan ang 22 anyos na Fil-Am swimmer na si Molina ng 4:28.99, at pang-apat sa overall na lalangoy sa finals sa alas-6 ng gabi ng Sabado (alas-11:00 ng gabi sa Manila).

"I’m tired. But I’m happy," wika ni Molina, senior student ng University of Berkeley. "I hope I will win (in the final). But it’s hard for me to swim again."

Gayunpaman, umaasa pa rin ang 5’8 na si Molina na makakuha ng bentahe sa limang oras niyang pahinga.

"I will give it my best shots but those guys are too fast for me," dagdag pa ni Molina

Nakapasok din sa finals ang isa pang Fil-Am swimmer na si James Walsh nang makalusot ito sa kanyang heat sa men’s 200m butterfly matapos tumapos na pang-anim sa overall.

Magdadive uli si Walsh ngayong alas-6: 50 ng Sabado ng gabi (11:50 sa Manila) para sa top honors.

Habang umabante ang dalawang Fil-Am swimmers na sina Molina at Walsh, hindi naman naging masuwerte ang mga babaeng swimmers.

Hindi pinalad si Fil-Am Erica Totten at Maria Georgina Gandiongco, na panglima lamang sa kani-kanilang heats sa 200m freestyle sa oras na 2:08.83 at 2:09.72, ayon sa pagkakasunod at mabigong makapasok sa finals.

Si Totten ay higit na walong segundo sa likuran at si Gandiongco naman ay 7 segundo sa likuran ng mga finalist na sina Maki Mita ng Japan at Yang Yu ng China.

Sa Luisall Shooting Complex, nagpaputok si Jethro Dionisio ng 66 mula sa 75 birds nang manatili sa kontensiyon para sa medalya sa unang araw na shooting competitons.

Si Dionisio, pangalawa matapos ang 23 sa opening round, ay nalaglag sa 19 sa sumunod na round ngunit nakipaglaban sa matatag na pulso para tapusin ang unang round na may 24 puntos.

Nasa likuran siya ng apat na nangunguna na sina Meqlad Nasser ng Kuwait at Sandhu Manajavit Singh, na may tig-70 bawat isa, may dalawang rounds pa ang nalalabi.

Malayo naman ang mga beteranong campaigners na sina Jaime Recio at Eric Ang sa 25th at 27th place na may 60 at 59 puntos ayon sa pagkakasunod.

Sa kababaihan, nagtapos na pang-19th place si Gay Corral na may 56 puntos habang si Maria Anna Gana ay may 55 para sa No. 20 puwesto at Veneranda Garcia sa No. 27 na may 49.

Sa Sport City naman, pinayuko ng tambalang Parley Tupaz at Rhovil Verayo sina Al Abri at Ab Subri ng Oman, 21-12, 21-14 sa beach volleyball.

Kasalukuyang nakiki-paglaban sina Violito Payla at Anthony Marcial sa boxing kani-kanilang kalaban habang sinusulat ang balitang ito.

AB SUBRI

AL ABRI

ANTHONY MARCIAL

BUT I

ERIC ANG

FIL-AM

FIL-AM ERICA TOTTEN

GAY CORRAL

HAMAD AQUATIC CENTER

MOLINA

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with