Super Sealers hindi papaawat
December 2, 2006 | 12:00am
Ipapagpatuloy ng Henkel Sista-St. Benilde ang kanilang pananalasa sa pakikipagharap sa Mail & More ngayon habang makabangon naman ang pakay ng TeleTech sa pagpapatuloy ng 2007 PBL Silver Cup sa Emilio Aguinaldo College Gym sa Manila.
Matapos sagarin ng Kettle Korn-University of Santo Tomas noong Martes, inaasahan ni Sista coach Caloy Garcia na makakatanggap uli sila ng mahigpit na hamon laban sa Mail & More Comets sa alas-4:00 ng hapong sagupaan.
"Theyre coming off a loss, so we have to prepare and play hard and smart against them," sabi ni Garcia. "It is one of the tallest squads in the league so we have to work on our speed and shooting."
Kumalas ang Super Sealer sa three-way logjam matapos ang 80-78 panalo sa umaahong Kettle Korn Tigers para makopo ang solo second sa 3-1-- salamat sa razzle-dazzle performance ni Marcy Arellano.
Mauuna rito ay ang sagupaan ng Cebuana Lhuillier-Pera Padala at ng TeleTech sa alas-2:00 ng hapon.
Tangka ng Titans na makabangon sa 67-76 pagkatalo sa league-leader na Hapee Toothpaste-Philippine Christian University.
Kasalukuyang katabla ng Moneymen ang Harbour Port Masters sa third at fourth place sa 2-1 kartada ngunit sa kanilang hangaring makakalas sa pakikisosyo, naririyan ang "double-trouble" combination nina Kenneth Bono at Doug Kramer. (MB)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Latest
Recommended