Papadyak ang mga siklista na babanderahan ni two-time champion Warren Davadilla at Ericson Obosa sa paghamon ng mga Pinoy riders sa mga regional riders sa mens individual road race.
"Now, its all mental," ani head coach Jomel Lorenzo. "The cyclists trained all year for this and it comes to this, the Asian Games. And the boys know very well that they dont get a second chance in these races so they are all expected to go all out."
Ang individual road event, nakatakda sa ganap alas-11:30 ng umaga (4:40 sa Manila), ay maggigitgitan sa kalye sa may 43.3 km circuit sa Al-Khor road course. Kakarera ang mga siklista ng apat na laps sa kabuuang 199.7 kms.
Dumating noong Huwebes ang anim-kataong road team na sina Davadilla, Obosa at tour champions Arnel Quirimit, Santy Barnachea, John Ricafort at nag-iisang babaeng rider na si Baby Marites Bitbit.
May kabuuang limang gintong medalya ang nakataya sa road race kung saan pinapaboran ang mga siklista mula sa Iran, China, Japan at Korea.
Magpapahinga ang cycling ng dalawang araw at magbabalik sa track events sa Disyembre 9 kung saan kakampanya naman sa track races sina Catalan, Paterno Curtan Jr., Arnold Marcelo, Paulo Manapul at Carlo Jasul.
Sa December 4, sasabak si Bitbit sa 113.1-km womens individual road race (12:30 p.m. Doha , 5:30 p.m. sa Manila ). Sa susunod na araw, kakarera naman si Bitbit, sa 23.86-km individual time trial (ITT) sa 12:30 p.m., Doha time. Sasabak naman si Quirimit sa mens 48.86-km ITT simula alas-2:30 ng hapon. (Doha time).(DMVillena)