^

PSN Palaro

RP Athletes sasabak na!

-
DOHA — Sisimulan ng Pambansang koponan ang kanilang kampanyang makapag-uwi ng gintong medalya sa pagsabak nila sa aksiyon sa 15th Asian Games na ginaganap sa oil-rich country na ito ng Gitnang Silangan.

Pitong golds sa nakatayang 14 golds ngayon ang tangka ng Team Philippines sa unang araw ng kompetisyon, lima sa swimming at tig-isa sa judo at shooting.

Sisikapin ni Fil-Am swimmer Miguel Molina, triple gold medallist sa Philippine SEA Games noong nakaraang taon, na makalangoy ng magandang heat sa umaga upang mapasalang sa finals sa gabi sa 400m individual medley.

Bukod kay Molina, sasalang din sa swimming events sa Hammad Aquatic Center sina Fil-Am James Walsh, Lorenzo Dee sa 200m butterfly, Erica Totten, Maria Georgina Grandiongco sa 200m women’s freestyle, Dejylie Cordero sa 50m women’s breasstroke at Totten sa 100m women’s butterfly.

Papagitna naman si Fil-Jap Tomohiko Hishani sa men’s +100 kg finals ng judo event, habang magandang panimula ang nais ni Roel Ramirez sa kanyang pagsalang sa men’s artistic gynastics event sa Aspire sports hall.

Sa Luisal Shooting Complex, tatangkain naman ng men’s at women’s trap team ang magandang marka sa pagbaril sa team qualifications sa trap shooting event.

Ang women’s trap team ay binubuo nina Gay Josephine Corral, Maria Anna Gana at Veneranda Garcia habang sa kalalakihan naman sina Eric Ang, Jaime Recio at Jethro Dionisio.

Mapapasabak agad sa matindi at mainit na aksiyon ang Philippine boxing team na isa sa inaasahang magdadala sa kampanya ng bansa sa 15th Asian Games dito.

Maagang makikipagpalitan ng kamao sina Genebert Basadre, Delfin Boholst, Godfrey Castro, Frances Joven, Anthony Marcial, Violito Payla at Joan Tipon.

Makaraang gumawa ng pangalan sa beach volleyball sa Philippine SEA Games noong nakaraang taon, hahataw ang magagandang Fil-Am belles na sina Heidi Ilustre at Diane Pascual sa kababaihan, at sina Parley Tupaz at Rhovyl Verayo naman sa kalalakihan sa beach volleyball event ng quadrennial event na ito na tinatampukan ng 45 bansa.

Kakampanya din ang Philippine chess team sa pagsisimula ng aksiyon sa rapid chess event sa Al-Dana Club kung saan susulong sina International Masters Darwin Laylo at Ronald Dableo sa men’s Jedara Docena sa women’s.

Sa iba pang events, makikipagsapalaran naman sina Wenifredo de Leon, Michael John, Samuel Noguit at Orlando Silvoza III sa men’s soft tennis at sina Petrona Bantay, Belen Dante at Divina Escala sa women’s. Sa Al-Arabi Sports club makikipagpaluan si Ernesto Ebuen kay Hamas Bu Hajji ng Brunei sa table tennis event. (Dina Marie Villena)

vuukle comment

AL-DANA CLUB

ANTHONY MARCIAL

ASIAN GAMES

BELEN DANTE

DEJYLIE CORDERO

DELFIN BOHOLST

DIANE PASCUAL

DINA MARIE VILLENA

DIVINA ESCALA

SINA

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with