Ipinakita ito ng mga atleta sa pagsigaw ng "Go, Philippines!" kasa-bay ng pagtaas ng kani-lang mga kamao sa flag raising ceremony sa Athletes Village noong Huwebes.
Lumikha ito ng ingay sa solemnong okasyon kung saan sabay-sabay na itinaas ang bandila ng Philippines, Myanmar at Bhutan sa ilalim ng mainit na sikat na araw.
Habang nagpapakuha ng larawan ang mga Filipino workers at ang kanilang mga pamilya sa mga atletang Pinoy, kumpiyansa naman ang mga opisyal dito.
"More than the medals that will be won, we are here to secure a bright fu-ture for Philippine sports," ani Philippine Olympic Committee (POC) presi-dent Jose "Peping" Co-juangco.
Sinabi ni Cojuangco na naniniwala siya na sa 85 million populasyon, wa-lang dahilan ang mga Pi-noy para hindi magpaka-husay sa international arena.
"The Asian Games is the closest thing to the Olympics. If we perform well here, we can perform everywhere," sabi ni Co-juangco.
Ayon sa POC chief, ang Asian Games ang magiging sukatan ng ma-giging kakayahan ng mga atletang Pinoy sa Olympic Games na gaganapin sa China sa 2008.
"We will identify the sport and athletes to train for the Olympics," ani Co-juangco.
Mas diretsa naman ang assessment ni Philip-pine Sports Commission (PSC) chairman Butch Ramirez.
"We can win a mini-mum of five gold medals here," ang walang gatol na sinabi ni Ramirez.
Ayon sa PSC chief, wala pa sa kalahati ang perang ginastos sa South-east Asian Games noong nakaraang taon ang ginu-gol para sa paghahanda ng mga atleta sa Asiad.
"But our athletes will rise above adversity and deliver," wika ni Ramirez na siyang chef de mission ng delegasyon.
May 100 athletes at of-ficials ang paparada nga-yon sa opening ceremo-nies.
Ang bowling icon na si Rafael "Paeng" Nepomu-ceno, na nakatakdang du-mating nitong Huwebes ng gabi ang magdadala ng bandila ng bansa.
Mahigit 10,000 ath-letes mula sa 45 bansa ang makikibahagi sa pina-kamalaking Asian Games.
Ang Qatar, na may 850,000 populasyon ay gumastos ng bilyong dol-yar para sa event na ito.
Inaasahang dodomi-nahin ng China ang Games bagamat karami-han sa kanilang mga at-leta ay ngayon pa lamang lalaro sa Asiad.
Natalo ang national baseball team laban sa Japan, 2-17 sa larong pi-naigsi ng limang innings kahapon.
Magbabalik sa Dia-mond ang mga Pinoy ni-tong Huwebes ng gabi para kalabanin ang China.
Walang larong naka-schedule ngayon upang bigyang daan ang ope-ning ceremonies ngunit sa Sabado, magsisimula ang aksiyon sa badminton, basketball, chess, judo at gymnastics.