Ito ay matapos na ring magsampa ng kaso ang Nevada Attorney General laban kay Nino nang mapatunayan ni-tong positibo ang Mexican sa paggamit ng illegal substance na methamphe-tamine sa kanyang post fight drug test.
"It opened up a whole lot of answers or questions, how he went about the fight," wika ni Viloria kay Nino, umagaw ng kanyang World Boxing Council (WBC) light flyweight crown noong Agosto at umiskor ng isang draw sa kanilang rematch sa "Grand Finale" nina Manny Pacquiao at Erik Morales noong Nobyembre 18 sa Thomas & Mack Center sa Las Vegas, Nevada.
Ang methamphetamine ang sina-sabi ng Nevada Attorney General na nagpasilakbo sa damdamin ni Nino para hindi makaramdam ng sakit mula sa dalawang pagpapabagsak sa kanya ni Viloria.
"If he wasnt on drugs, those knock-outs or knockdowns would have been a lot more significant," ani Viloria. "If youre on drugs and youre knockdown, of course your reaction is just get back up, spºecially if youre on a high dosage of methamphetamine. You dont know what youre capable of doing."
Sakaling tuluyan nang mapatuna-yan ng Nevada Attorney General na nagkasala si Nino, nahaharap ito sa pagbabayad ng multa, suspensyon at pagkakabawi ng kanyang WBC light flyweight title.
"I believe Brian deserves the title immediately," wika ni Gary Gittelsohn, manager ni Viloria. "I believe the judging was incompetent, not corrupt, but incompetent."
Isang hearing ukol sa kasong isinam-pa ng Nevada Attorney General laban kay Nino ang inaasahan sa mga susunod na araw. (RCadayona)