Barrera atat na kay Pacquiao
November 29, 2006 | 12:00am
Sariwa pa rin sa alaala ni Mexican world boxing champion Marco Antonio Barrera ang ginawa sa kanya ni Filipino boxing hero Manny Pacquiao noong Nobyembre ng 2003 sa El Paso, Texas.
Kaya naman hindi na makapaghintay si Barrera para sa kanilang rematch ni Pacquiao sa Marso ng susunod na taon.
Ngunit bago ito mangyari, kailangan munang ayusin ng 27-anyos na pambato ng General Santos City ang kanyang problema sa kontrata kina Bob Arum ng Top Rank Promotions at Oscar Dela Hoya ng Golden Boy Promotions, ayon kay Barrera.
"I hope Pacquiao solves his problem so that the fight can be done on March 11," wika kahapon ni Barrera, ang kasalukuyang hari sa World Boxing Council (WBC) super featherweight division.
Nasa gitna pa rin ng girian nina Arum at Dela Hoya si Pacquiao matapos itong pumirma ng isang seven-fight deal sa Golden Boy Promotions noong Setyembre at sa isang four-year deal sa Top Rank Promotions nitong Nobyembre.
Naghihintay pa rin si Barrera, binugbog ni Pacquiao sa 11th round ng kanilang "Peoples Featherweight Championship" noong Nobyembre ng 2003, ng kanyang makakalaban.
"In the next few days I will be meeting with my promoter (Golden Boy Promotions) to know who my challenger is going to be," ani Barrera, dalawang beses ring tinalo si Mexican legend Erik Morales katulad ni Pacquiao.
Sakaling mabigong maayos nina Arum at Dela Hoya ang kanilang gusot, posibleng itaya ni Barrera ang kanyang WBC crown laban sa kababayang si Juan Manuel Marquez.
Nagmula ang 33-anyos na si Marquez, umiskor ng isang draw kay Pacquiao sa kanilang WBA at IBF featherweight fight noong Mayo ng 2004, sa isang ninth round knockout kay Filipino Jimrex Jaca noong Linggo sa Dodge Arena sa Hidalgo, Texas. Sina Barrera, Marquez at Jaca ay nasa ilalim ng Golden Boy Promotions ni Dela Hoya. (Russell Cadayona)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Latest
Recommended
November 14, 2024 - 12:00am
November 13, 2024 - 12:00am