Tigers pinaamo ng Kings
November 25, 2006 | 12:00am
Magaan lamang ang kalaban ng Barangay Ginebra ngunit hindi nila nagawang kontrolin ang laro.
Mabuti na lamang maganda ang gising nina Mark Caguioa at Rudy Hatfield na siyang bumandera para sa Gin Kings tungo sa 84-78 panalo kontra sa Coca-Cola sa pag-usad ng eliminations ng Talk N Text PBA Philippine Cup sa Cuneta Astrodome kagabi.
Naghabol pa ng 10-puntos ang Ginebra bago nila naiposte ang ikawalong panalo sa 12-laro upang makisosyo sa walang larong Red Bull sa ikalawang puwesto na di na nalalayo sa 8-3 kartada ng nangungunang Sta. Lucia Realty.
Pinangunahan ni Caguioa ang Ginebra sa kanyang 23-puntos, 12 nito ay sa ikatlong quarter tanging sila lamang ni Hatfield na may 16-puntos, ang nakadouble figure.
Nalasap ng Tigers ang kanilang ikasiyam na talo kaya balik sila sa pakikisosyo sa kulelat na posisyon sa Welcoat sa kanilang 3-9 karta.
Habang sinusulat ang balitang ito, naglalaban pa ang Alaska (3-7) at Talk N Text (6-5).
Magpapatuloy ang aksiyon sa Olivarez Gym sa Parañaque kung saan sisikapin ng defending champion Purefoods (7-5) at San Miguel (6-5) na makabangon sa kanilang nakaraang pagkatalo sa alas-4:00 ng hapon habang sisikapin naman ng Realtors na manatili sa liderato sa alas-6:30 ng gabing pakikipagsagupa sa mapanganib na Air21.

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Latest
Recommended
November 25, 2024 - 12:00am
November 24, 2024 - 12:00am
November 24, 2024 - 12:00am