Intal susi sa panalo ng Harbour

May dalang pag-asa si JC Intal para sa Harbour Centre na nagtala ng 85-66, panalo laban sa Kettle Korn-UST sa 2007 PBL Silver Cup sa UST gym kahapon.

Si Intal ang naging susi sa pagkawala ng Port Masters tungo sa kani-lang ikalawang sunod na panalo sa tatlong laro.

Tumapos ito ng siyam na puntos lamang ngunit kinabilangan ito ng isang slam dunk na pinalak-pakan ng crowd.

Sa unang laro, ikino-nekta ni Eugene Tan ang isang tres sa crunch time nang igupo ng TeleTech ang Mail & More Comets, 79-70.

Katabla na ng Titans at Port Masters sa 2-1 record ang Cebuana at Sista sa likod ng 3-0 ng Hapee-PCU.

Show comments