Sa kanyang pagbaba pa lamang mula sa Ninoy Aquino International Air-port (NAIA) ay dudumugin na ang 27-anyos na si Pacquiao ng kanyang mga tagasuporta at kaibi-gan bago tumuloy sa Manila Hotel para maka-pagpahinga.
Eksaktong alas-11 ng umaga magtutungo ang grupo sa Quiapo Church para sa isang misa na pa-mumunuan ni Monsignor Josphino Ramirez bago dumiretso sa Manila City Hall para sa kanyang Grand Welcome.
Makaraan ang natu-rang okasyon, pupunta naman si Pacquiao sa Malacañang para sa isang courtesy call kay Pangulong Gloria Maca-pagal-Arroyo.
Matatandaang sa tu-wing mananalo sa kan-yang laban ang tubong General Santos City ay palagian na siyang iniim-bita sa Palasyo ng Pangu-lo para sa isang presen-tasyon.
Matapos ang isa hang-gang dalawang oras sa Malacañang ay susuyurin naman ni Pacquiao ang ilang lugar sa Maynila pa-ra sa kanyang motorcade kung saan siya inaasa-hang muling sasakay sa pulang civilian humvee ni Presidential Assistant on Youth and Sports chair-man Ali Atienza.
Muling magbabalik sa Manila Hotel si Pacquiao para makapagpahinga bago magtungo sa Raja Sulayman Park sa ganap na alas-7 ng gabi para sa isang street party na inihanda ng Solar Sports.
Isang motorcade rin ang inihanda ng General Santos City para sa pag-uwi ni Pac-quiao kung saan limang barangay, kabilang ang kan-yang pinagmulang Barangay Labangan, ang kanyang dadayuhin. (R. Cadayona)