Pacquiao dumalaw sa Wild Card Gym
November 23, 2006 | 12:00am
LOS ANGELES -- Isang ordinaryong araw lamang sana sa Wild Card Gym ditto sa Hollywood kung hindi dahil sa maigsi ngunit makahulugang pagbisita ni Manny Pacquiao.
Tatlong araw matapos nitong dimolisahin si Erik Morales sa Las Vegas, dumaan si Pacquiao sa sikat na gym na ito kung saan siya nagsanay ng halos dalawang buwan para sa pinakamalaking laban ng kanyang buhay.
Dumating si Pacquiao kasama ang asawang si Jinkee sakay ng kanyang makintab na all-black Mercedes Benz SL550 na sinusundan ng kanyang Lincoln Navigator na sinasakyan ng kanyang mga malalapit na kaibigan.
Relax na relax na dumating si Pacquiao na nakalong-sleeved shirt, maong at magandang balat na sapatos na sinalubong ng mga mediamen at mga fans.
Sa loob ng gym, ang 27-gulang na Pinoy ay dumating sa L.A. mula sa Las Vegas noong Lunes ng gabi, sinalubong at pinalakpakan si Pacquiao ng mga boksingerong naroroon.
"Here comes the champ," ang sigaw ng isa habang dumadaan si Pacquiao sa hilera ng mga punching bags na sinusundan ng TV cameras sa loob ng decarpet na gym na pagmamay-ari ng kanyang trainor na si Freddie Roach.
Hinanap ni Pacquiao si Roach, na nasa bagong bukas na lugar para sa mga Filipino boxers.
Nagkamayan ang dalawa at nagyakapan. Ito ang unang pagkakataong nagkaroon ng tsansang gawin ng dalawang ito pagkatapos ng laban dahil kinailangang bumalik ni Roach dito sa Las Vegas, kinabukasan pagkatapos ng panalo ni Pacquiao.
Sina Pacquiao at Roach, ang pinakamalakas na partnerships sa boxing ngayon, ay nagtawanan ng malakas pagkatapos magbulungan.
Hindi na nagtagal si Pacquiao dahil kailangan pa nitong pumunta sa bangko kaya wala pa siyang isang oras na tumagal.
Lumabas ito sa Wild Card driveway na malakas ang dating tulad ng kanyang pagpasok, sa kanyang minamanehong P4.3 million convertible.
Pag-alis ni Manny, nagsalita si Roach tungkol sa laban na pinanuod niya ang replay ng apat na beses at sinabi niyang hindi siya magsasawang uulit-ulitin ito.
Noong Lunes ng gabi, sa loob ng $4,000-a-month apartment sa La Brea area, limang beses din pinanuod ni Pacquiao ang replay ng laban.
"He was laughing over it. And he had fund watching it over probably five times. He made Morales look terrible inside the ring. But it was a great fight.
Morales had a lot of heart," ani Rob Peters, ang security ni Pacquiao tuwing nasa America ito.
Darating sa Manila si Pacquiao bukas ng umaga at siguradong may naghihintay na heros welcome ito na mas malaki kaysa noong una niyang tinalo si Morales noong Enero.

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Latest
Recommended
November 11, 2024 - 12:00am