^

PSN Palaro

Pirated DVD copy ng Grand Finale ni Pacquiao mabenta

-
Halos maubos naman ang mga pirated DVD copy ng "Grand Finale" nina Pacquiao at Mexican legend Erik Morales sa Caloocan City at Quiapo.

 Ang naturang pirated DVD copy ay nabibili la-mang sa halagang P35 at maaaring tawaran hanggang P30.

 "Wala namang kasamang TV commercial ‘yung DVD copy, kaya mabili talaga," wika ng vendor na si Hassan Daying ng Quiapo. "Kahit na ‘yung mga lu-mang laban ni Manny Pacquiao talagang binibili pa rin."

 Ang pagbebenta ng pirated DVD copy ay mahigpit na ipinagbabawal ng Optical Media Board (OMB) ni chairman Edu Manzano.

Samantala, limang Barangay ang nakatakdang dalawin ni Filipino boxing hero Manny Pacquiao sa kanyang pagdating sa General Santos City mula sa United States. 

Ayon kay General Santos City Administrator Rodrigo Salangsang, kasama rito ang Barangay Labangan na siyang kinalakihan ng 27-anyos na si Pacquiao.

 Para sa inihahandang motorcade ng lungsod, pondong P500,000 lamang ang kanilang inilatag para sa naturang okasyon kung saan inaasahang makakasama ni "Pacman" ang kanyang inang si Aling Dionesia at utol na si Bobby Pacquiao.

 Bukod sa General Santos City, isang malaking Heroe’s Welcome rin ang inihahanda ng Manila City na itinuturing si Pacquiao na isang ‘Prodigal Son’. (Russell Cadayona)

ALING DIONESIA

BARANGAY LABANGAN

BOBBY PACQUIAO

CALOOCAN CITY

EDU MANZANO

GENERAL SANTOS CITY

PACQUIAO

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with