^

PSN Palaro

Mas preparado at handa ang RP riders ngayon

-
Kumpara noong 2002, mas pre-parado at mas handa ang Philippine cycling team para sa 15th Asian Ga-mes sa Doha, Qatar sa Dec.1-15.

"Well-prepared po silang lahat, mentally, physically and financially," wika kahapon ni national head coach Jomel Lorenzo sa mga national riders na sasabak sa naturang quadrennial meet. "Compared sa last Asian Ga-mes sa Busan, Korea in 2002, mas prepared kami ngayon."

Sa 2002 Busan Asiad, nabigo ang isa mang national cyclist na makapag-uwi ng medalya matapos ang tanso ni Victor Espiritu noong 1998 sa Bang-kok, Thailand.

Ang national team na ilalaban sa 2006 Doha Asiad ay kinabibilangan nina Santy Barnachea, Warren Da-vadilla, Arnel Quirimit, Ericson Obosa, John Ricafort, Frederick Feliciano at Maritess Bitbit.

Si Bitbit, ang nag-iisang woman ri-der, ay lalahok sa track at road compe-tition, ayon kay Lorenzo.

"Ang event na talagang may mala-kas tayong chances na manalo ng medal ay sa mga mahahabang com-petitions, like the madison and point races," ani Lorenzo. "Pero malakas rin naman tayo sa road at track, kaya sa tingin ko may chance tayong manalo ng medal."

Sa track events, inaasahan ni Lorenzo na tatlong Philippine record ang mawawasak nina Barnachea, Da-vadilla, Quirimit at Obosa.

Kabuuang 16 events ang nakalatag para sa cycling competition sa 2006 Doha Asiad kung saan ang 11 rito ay mula sa track races. (RCadayona)

ARNEL QUIRIMIT

ASIAN GA

BUSAN ASIAD

DOHA ASIAD

ERICSON OBOSA

FREDERICK FELICIANO

JOHN RICAFORT

JOMEL LORENZO

LORENZO

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with