Ang naturang pirated DVD copy ay nabibili la-mang sa halagang P35 at maaaring tawaran hanggang P30.
"Wala namang kasamang TV commercial yung DVD copy, kaya mabili talaga," wika ng vendor na si Hassan Daying ng Quiapo. "Kahit na yung mga lu-mang laban ni Manny Pacquiao talagang binibili pa rin."
Ang pagbebenta ng pirated DVD copy ay mahigpit na ipinagbabawal ng Optical Media Board (OMB) ni chairman Edu Manzano.
Samantala, limang Barangay ang nakatakdang dalawin ni Filipino boxing hero Manny Pacquiao sa kanyang pagdating sa General Santos City mula sa United States.
Ayon kay General Santos City Administrator Rodrigo Salangsang, kasama rito ang Barangay Labangan na siyang kinalakihan ng 27-anyos na si Pacquiao.
Para sa inihahandang motorcade ng lungsod, pondong P500,000 lamang ang kanilang inilatag para sa naturang okasyon kung saan inaasahang makakasama ni "Pacman" ang kanyang inang si Aling Dionesia at utol na si Bobby Pacquiao.
Bukod sa General Santos City, isang malaking Heroes Welcome rin ang inihahanda ng Manila City na itinuturing si Pacquiao na isang Prodigal Son. (Russell Cadayona)