"Well-prepared po silang lahat, mentally, physically and financially," wika kahapon ni national head coach Jomel Lorenzo sa mga national riders na sasabak sa naturang quadrennial meet. "Compared sa last Asian Ga-mes sa Busan, Korea in 2002, mas prepared kami ngayon."
Sa 2002 Busan Asiad, nabigo ang isa mang national cyclist na makapag-uwi ng medalya matapos ang tanso ni Victor Espiritu noong 1998 sa Bang-kok, Thailand.
Ang national team na ilalaban sa 2006 Doha Asiad ay kinabibilangan nina Santy Barnachea, Warren Da-vadilla, Arnel Quirimit, Ericson Obosa, John Ricafort, Frederick Feliciano at Maritess Bitbit.
Si Bitbit, ang nag-iisang woman ri-der, ay lalahok sa track at road compe-tition, ayon kay Lorenzo.
"Ang event na talagang may mala-kas tayong chances na manalo ng medal ay sa mga mahahabang com-petitions, like the madison and point races," ani Lorenzo. "Pero malakas rin naman tayo sa road at track, kaya sa tingin ko may chance tayong manalo ng medal."
Sa track events, inaasahan ni Lorenzo na tatlong Philippine record ang mawawasak nina Barnachea, Da-vadilla, Quirimit at Obosa.
Kabuuang 16 events ang nakalatag para sa cycling competition sa 2006 Doha Asiad kung saan ang 11 rito ay mula sa track races. (RCadayona)