Kinapos lamang ng isang rebound ang 5-foot-8 na si Castro para sa Teethmasters sa kanyang 15-puntos at 9-rebounds para sa ikatlong sunod na panalo ng Hapee sa gayong ding dami ng laro.
Bumawi si Castro, na mayroon ding limang steals at apat na assists, sa kanyang masamang simula matapos magmin-tis ng anim na attempts sa first half nang kumamada ito ng 14-puntos kabilang ang mahalagang tres sa 8-0 run na naglayo sa Hapee sa 60-55 patungo sa huling pitong minuto ng labanan.
Tumulong din si Mark Borboran na kumana rin ng tres sa naturang run upang iselyo ang kanyang 17-puntos at 10 rebounds na performance.
Malaking kawalan sa Sista ang di paglalaro ng injured na si Samigue Eman sanhi ng kanilang kauna-unahang talo matapos ang dalawang dikit na tagumpay.
Sa ikalawang laro, umiskor sina Macky Es-calona, Mark Abadia at veteran Erick dela Cuesta ng tig-isang tres sa overtime upang ihatid ang Cebuana Lhuillier-Pera Padala sa 89-85 panalo labanan sa Magnolia Ice Cream.
Pinangunahan ni Ken-neth Bono ang Money-men sa kanyang 21-puntos at 10-rebounds habang may 16 at 13 sina Escalona at Abadia ayon sa pagkakasunod upang umangat sila sa 2-1 kartada habang nalasap naman ng Magnolia ang ikalawang sunod na talo sa gayong ding dami ng laro.(Mae Balbuena)