Hindi naman kataka-taka yun dahil kapwa Pinoy mo ang lumaban. At hindi lang naman sa ating bansa kundi buong mundo ang nakapanood ng tagumpay ni Pacman.
Pinaghandaan talaga ng todo ni Pacquiao ang laban niyang ito. Magaling na boxer si Manny. Kasi pati ang kanan niya ay sinanay niya at higit sa lahat malaki ang improvement ng kanyang foot work.
Ang lakas ng right hook niya.
Mahusay at talagang saludo ang lahat sa kanya bilang pinakamagaling na boxer ngayon sa buong mundo.
Sa kabilang dako, kakaibang Morales naman ang nakita ng marami. Kakaiba dahil parang hindi siya ang Morales na ilan beses ding napanood ng marami.
Mabagal ang kanyang kilos na kung tutuusin ay hindi akma sa kanyang ipinayat.
Payat nga siya pero bumabagal naman. Siguro may contribution dito ang ginawa niyang pagpapa-payat.
Walang nakakaalam kung sa papaanong paraan niya nagawang magpapayat ng hanggang 129 lbs. Dahil ilang araw bago ang kanyang nakatakdang laban ay labis pa yata ng 2 o 3 lbs ang kanyang tim-bang.
At noong official weigh-in kapwa 129 lbs ang dalawang magigiting na boksingero.
Yun nga lang kapuna-puna na sa 129 lbs timbang ni Manny, ay kitang-kita ang pagiging maskulado nito kumpara kay Erik na tila malambot ang mga muscles.
At maging sa kilos, maliksi kung kumilos si Manny samantalang, tila nanlalambot si Erik na pati ang mga mata ay malamlam.
Haaay talagang ganyan!
Sorry na lang at higit na magaling na boksingero si Pacman kaysa sa kanya.
Mabuhay ka Manny!
Bakit nga kaya?
Hindi kaya natalo sila sa laban pero panalo sa pustahan? He, he he, nang-intriga pa.