^

PSN Palaro

Hindi si Barrera ang susunod na kalaban ni Pacquiao

-
LAS VEGAS – Malamang na ang susunod na laban ni Manny Pacquiao ay sa Marso o Abril ng susunod na taon. Pero hindi ito laban kay Marco Antonio Barrera kundi sa iba. At hindi rin ito gaganapin sa Amerika kundi sa Macau.

Isang insider sa Team Pacquiao ang nagsabi na patungo ang lahat dito makaraang ihayag ni Bob Arum ang four-year tie sa pagitan ng Top Rank at Manny Pacquiao Promotions.

Sa Macau, lalaban si Pacquiao sa bagong gawa na Wynn Hotel. Winasak ni Pacquiao si Erik Morales sa loob ng tatlong rounds noong Sabado ng gabi (Linggo ng tanghali sa Manila) sa Thomas and Mack Center at pagkatapos noon ay nagsimula nang magtanungan kung kailan ang susunod na laban ni Pacman.

At siyempre ang lahat ay umaasa sa isang, malaking title bout sa pagitan ni Pacquiao at Barrera, ang reigning World Boxing Council champion sa 130 lbs division.

Sa katunayan, may itinakda ng petsa para sa rematch--March 11. Pinabagsak ni Barrera si Pacquiao sa 11 rounds noong 2003. Ngunit sa pagkikipag-ayos ni Pacquiao sa Top Rank, hindi matutuloy ito, bagamat may utos ang WBC kamakailan na ang magwawagi sa pagitan nina Pacquiao at Morales ay haharap kay Barrera.

Kung tatanggi si Pacquiao, mawawalan ito ng kanyang International superfeatherweight title. Ngunit balewala ito sa kanya.

Si Barrera ay hawak ng promotion ni Oscar dela Hoya at wala itong koneksiyon kay Arum.

"I think Manny’s gonna have two fights (probably against Erwin Valero or Joan Guzman) and then if Barrera’s still around then maybe we can go after him," anang isang may kaugnayan kay Pacquiao dito.

Ngayon pa lang, humihingi na si Barrera ng halagang $3 million. "I don’t think he’s gonna get that yet," anang insider. (Abac Cordero)

ABAC CORDERO

BARRERA

BOB ARUM

ERIK MORALES

ERWIN VALERO

JOAN GUZMAN

MANNY PACQUIAO PROMOTIONS

PACQUIAO

TOP RANK

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with