^

PSN Palaro

SMBeer at Red Bull asam ang makabalik

-
Parehong magtatangkang makabalik sa pakikisalo sa ikalawang puwesto ang San Miguel Beer at ang Red Bull sa pagpapatuloy ng PBA Philippine Cup sa Araneta Coliseum.

Ngunit may kabigatang misyon ito para sa SMBeer dahil bukod sa ang kakalabanin nila ay ang malakas na koponan ng Talk N Text, haharapin nila ang Phone Pals na wala si Danny Seigle.

Nagkaroon ng dipe-rensiya ang mata ni Seigle (corneal tear) sa nakaraang 84-78 panalo sa Red Bull.

Dahil dito, siguradong sasamantalahin ito ng Talk N Text upang hatakin ang kanilang back-to-back win at mapalawig ang 5-5 kartada.

Tabla sa 6-4 kartada ang Bulls at Beermen kasama ang Barangay Ginebra na kasalukuyang nakikipaglaban sa league leader na Sta. Lucia Realty sa provincial game sa Puerto Princesa City sa Palawan.

Sisikapin naman ng Coca-Cola na maduplika ang 105-85 panalo laban sa Red Bull sa una nilang pagkikita noong October 13 upang makakalas sa pakikisalo sa 3-7 record sa walang larong Alaska Aces.

Sa pagkawala ni Seigle, aasa si coach Chot Reyes kina Danny Ildefonso, Dondon Hontiveros, Olsen Racela, Romel Adducul at Christian Calaguio habang sina Asi Taulava, Jimmy Alapag, Mark Cardona, Anthony Washington at iba pa kay Dereck Pumaren ng Phone Pals. (MB)

vuukle comment

ALASKA ACES

ANTHONY WASHINGTON

ARANETA COLISEUM

ASI TAULAVA

BARANGAY GINEBRA

CHOT REYES

CHRISTIAN CALAGUIO

PHONE PALS

RED BULL

TALK N TEXT

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with