Panalo isinelyo ng Super Sealers
November 19, 2006 | 12:00am
Hindi basta-basta ang Sista Super Sealers.
Matapos pabagsakin ang bigating Magnolia Ice Cream noong opening day, isinunod naman ang powerhouse Cebuana Lhuillier-Pera Padala, 81-71 kahapon upang makisalo sa liderato sa kasalukuyang PBL Silver Cup na nagpatuloy sa The Arena sa San Juan.
Bagamat sinayang ng Sista ang 20-puntos na kalamangan, nakabawi sila sa dakong huli upang iposte ang ikalawang sunod na panalo para saluhan sa liderato ang walang larong Hapee-PCU.
Sa ikalawang laro, nakabangon naman ang Mail & More sa pagkatalo sa Harbour Centre sa kanilang debut game matapos pasadsarin ang Toyota- Otis, 88-57 dahil sa pagbibida nina Wyns-john Te at dating pro na si Michael Bravo.
Tumapos si Te ng 13 puntos na kinana niyang lahat mula sa triple area habang nagtulong naman sa 26-puntos sina Bravo at JR Quiñahan.
Magkakasalo sa 1-1 ang Moneymen, Harbour Centre, Toyota Otis at Mail & More. (Mae Balbuena)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest