^

PSN Palaro

Suntukan na! — Pacquiao

-
LAS VEGAS — Sa bisperas ng laban sa kanyang buhay, sa loob ng kanyang mamahaling two-bedroom suit sa Wynn Hotel, idineklara na ni Manny Pacquiao ang giyera laban kay Erik Morales.

"Suntukan na (It’s time to fight)," wika ng 27 anyos na Pinoy boxer, na hanggang sa dumating ang official weigh-in ay pawang mabubuti ang sinasabi sa kanyang 30 anyos na kalaban.

Katatapos lamang maghapunan ni Pacquiao ng bulalo at kanin, gulay at prutas, kasama ang batang kapatid na si Rogelio at ilang kabigan, nang makipag-usap ito sa mga Manila scribes tungkol sa laban.

Ang nakatakdang 12 rounds bout, ang ikatlo at huli sa pagitan ng dalawang magigilas na fighters ay nakatakda sa Thomas and Mack Center sa Sabado ng gabi (Linggo ng tanghali sa Manila).

At pansamantalang hihinto ang bansang Pilipinas sa pag-akyat ni Pacquiao sa ring, na inaasahang panonoorin ng may 17 milyon na manonood sa buong mundo.

Para sa dalawang superfeatherweights, na nagrambulan na sa dalawang klasikong laban kung saan napagwagian ni Morales ang una at si Pacquiao naman sa ikalawa, ito ang tinaguriang "Grand Finale o La Gran Final."

Sa kaagahan pa lang, ang karibalan nina Pacquiao at Morales ay ikinukumpara sa pinakamagagaling na trilogy ng buong panahon.

"This is it. Ito na ang hinihintay natin (This is what we’ve been waiting for). Magkakaalaman na kung totoo ang sinasabi niya (Lets see if what he’s been saying is true)," wika ni Pacquiao.

Nangako si Morales sa press conference noong Biyernes na tatalunin niya si Pacquiao, isang paghihiganti sa 10-round na kabiguan niya sa Pinoy noong nakaraang Enero at umaasang maiaahon ang bumabagsak niyang career.

"I’m going to win," wika ni Morales, isang dating kampeon sa tatlong iba’t-ibang division at nalalapit na Hall of Famer.

Magkatabi sina Pac-quiao at Morales ngunit hindi face-to-face sa weigh-in nila. Nagkamay ang dalawa noong huling weigh-in nila sa Wynn Hotel para sa rematch noong Enero.

"Erik is in one-hundred percent condition. He looks so skinny but I don’t know if he has the strength. We don’t know if he’s strong. But he’s in shape," ani Pacquiao.

Kapwa tumimbang ang dalawa ng 129 lbs. na kapwa pasado sa 130 weight limit.

Sa laban na ito, ang kanyang ikatlo, kabilang na ang malaking panalo kay Oscar Larios noong Hulyo, ginagarantiyahan si Pacquiao ng halagang $3million (umaabot sa P150M) hindi pa kasama ang kanyang shares sa TV at merchandise.

Ang magwawagi sa laban na ito ang haharap kay reigning 130 lbs champion Marco Antonio Barrera, ayon sa ipinag-utos ng World Boxing Council.

Si Barrera ay dumating sa Vegas noong Biyernes ay nasa ringside ito sa huling sayaw nina Pacquiao at Morales. (Abac Cordero)

vuukle comment

ABAC CORDERO

BIYERNES

ENERO

ERIK MORALES

GRAND FINALE

HALL OF FAMER

LA GRAN FINAL

PACQUIAO

WYNN HOTEL

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with