^

PSN Palaro

Importanteng panalo asam ng RP vs Cambodia

-
Hangad ng national soccer team ng Pilipinas ang suporta ng buong bansa bago kalabanin ang Cambodia sa isang mahalagang laban ngayong Sabado sa ASEAN Football Championship-Qualifier Tournament sa Panaad pitch sa Bacolod City.

Noong nakaraang Martes, tinambakan ng mga Pinoy ang Timor Leste 7-0 at kailangan nila ng kahalintulad na panalo laban sa mga Cambodian sa kanilang alas-4:30 ng hapon na sultada upang masiguro ang isa sa dalawang upuan para sa main ASEAN tournament sa 2007.

Hinihiling ng Philippine Football Federation sa lahat ng RP soccer lovers na magsuot ng asul -- ang kulay ng uniporme ng mga Nationals -- manood at suportahan ang team sa Panaad upang makuha nila ang inaasam na tagumpay.

Ipapalabas din ng live sa Solar Sports TV at maririnig ang updates ng laban sa buong bansa sa pamamagitan ng GMA Radio Network.

"Maaaring ang labang RP-Cambodia ang magbunga ng pinakamalaking "media coverage" sa kasaysayan ng RP football dahil mababalitaan ito sa television, radio at Internet," ani Ed Formoso, hepe ng PFF promotion and publicity.

Hinihintay ng Thailand, Indonesia, Malaysia, Myanmar, Singapore at Vietnam ang top two teams sa Bacolod na makakasali sa main tournament sa 2007.

Official sponsors ng Philippine National Football team at ng PFF ang Mizuno, Palmas del Mar Resort, Premier Water, Gatorade, Pepsi Philippines, Petron, PLDT at ang GMA Radio Network.

vuukle comment

BACOLOD CITY

ED FORMOSO

FOOTBALL CHAMPIONSHIP-QUALIFIER TOURNAMENT

MAR RESORT

PANAAD

PEPSI PHILIPPINES

PHILIPPINE FOOTBALL FEDERATION

PHILIPPINE NATIONAL FOOTBALL

PREMIER WATER

RADIO NETWORK

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with