^

PSN Palaro

Cebuana Lhuillier-Pera Padala kontra Sista Super Sealers

-
Magku-krus ang landas ng Cebuana Lhuillier-Pera Padala at Sista Super Sealers, ang dalawang koponang may mayamang winning tradition sa pagpapatuloy ng aksiyon sa 2007 PBL Silver Cup sa The Arena sa San Juan.

Sisikapin naman ng Toyota Otis na ipagpatuloy ang kanilang pananalasa sa pakikipagharap sa Mail & More sa isa pang laban.

Mauuna ang sagupaan ng Moneymen at ng Sista sa alas-2:00 ng hapon at susundan ito ng engkwentro ng Letran at Mail & More sa alas-4:00. Pare-parehong nanalo ang Toyota, Sista at Cebuana sa kani-kanilang opening games at tangka nila ang tagumpay na magbibigay sa kanila ng karapatang saluhan ang walang larong Hapee-PCU sa pangkalahatang pamumuno na may 2-0 win-loss record.

Sumandal ang CL-Pera Padala sa kumbinasyon nina UAAP MVP Kenneth Bono at Doug Kramer para idimolisa ang Kettle Korn-UST, 99-70, noong Martes habang ginulantang naman ng Super Sealers, na nais sumunod sa yapak ng Welcoat Paints na pinalitan nila sa liga, ang paboritong Magnolia Ice Cream, 77-71 noong Sabado sa likod ng pagkawala ni Samigue Eman na di makakalaro ng mahigit isang buwan dahil sa karamdaman.

Dumaan naman sa butas ng karayom ang Toyota-Otis bago maitakas ang 68-66 panalo laban sa TeleTech Titans noong Martes.

Inaasahang pangungunahan nina Marvin Cruz at JP Alcaraz ang Sparks na kinatatakutan sa kanilang running game. (Mae Balbuena)

vuukle comment

CEBUANA LHUILLIER-PERA PADALA

DOUG KRAMER

KENNETH BONO

KETTLE KORN

MAE BALBUENA

MAGNOLIA ICE CREAM

MARVIN CRUZ

PERA PADALA

SAMIGUE EMAN

SAN JUAN

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with