Sinabi kahapon ni Pacquiao na hindi niya pagduduhan ang talento ng tubong Calamba, Laguna na si Alcano.
"Talagang kapag kundisyon si Alcano, kahit sino ang ilaban mo kaya niyang talunin," sambit ng 27-anyos na si Pacquiao mula sa kanyang magarang hotel sa Las Vegas, Nevada.
Si Alcano ang ikatlong Filipino cue artist na naghari sa WPC matapos sina Efren "Bata" Reyes at Alex Pagulayan noong 1999 at 2004, ayon sa pagkakasunod.
Matatandaang ilang beses nang napapapaulat ang paglalaro ni Pacquiao ng bilyar sa kanyang bayan sa General Santos City.
Sinabi ni Pacquiao na ang paglalaro niya ng bilyar ay isa lamang libangan sa kabila ng pagtaya niya ng malaking halaga tuwing may kalaban siyang magaling. (Russell Cadayona)