^

PSN Palaro

Pacman natuwa sa panalo ni Alcano

-
Bilang isang bilyarista, natural na ikatuwa ni Filipino boxing idol Manny Pacquiao ang pagkakapanalo ni Ronnie Alcano sa katatapos na 2006 World Pool Championships. 

Sinabi kahapon ni Pacquiao na hindi niya pagduduhan ang talento ng tubong Calamba, Laguna na si Alcano. 

"Talagang kapag kundisyon si Alcano, kahit sino ang ilaban mo kaya niyang talunin," sambit ng 27-anyos na si Pacquiao mula sa kanyang magarang hotel sa Las Vegas, Nevada. 

Si Alcano ang ikatlong Filipino cue artist na naghari sa WPC matapos sina Efren "Bata" Reyes at Alex Pagulayan noong 1999 at 2004, ayon sa pagkakasunod.

 Matatandaang ilang beses nang napapapaulat ang paglalaro ni Pacquiao ng bilyar sa kanyang bayan sa General Santos City. 

Sinabi ni Pacquiao na ang paglalaro niya ng bilyar ay isa lamang libangan sa kabila ng pagtaya niya ng malaking halaga tuwing may kalaban siyang magaling.  (Russell Cadayona)

vuukle comment

ALCANO

ALEX PAGULAYAN

GENERAL SANTOS CITY

LAS VEGAS

PACQUIAO

RONNIE ALCANO

RUSSELL CADAYONA

SI ALCANO

SINABI

WORLD POOL CHAMPIONSHIPS

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with