^

PSN Palaro

Pacquiao, hindi masaya sa pagiging liyamado

-
LAS VEGAS — Hindi masaya si Manny Pacquiao sa kanyang pagiging liyamado.

"Sobra naman ang tiwala nila sa akin," ani Pacquiao noong Lunes nang malaman ang pustahan sa kanyang nalalapit na laban kay Erik Morales.

Mula sa -210 noong Linggo ng gabi, ngayon ay -220 na sa Sports Book, ang official at state-of-the-art betting station dito.

Ibig sabihin ang tayang $220 kay Pacquiao ay mananalo lamang ng $100. Sa kabilang dako naman +190 naman si Morales na ang $100 na taya at mananalo ng $190.

Nang magsimula ang pagpapataya ng Sports Book ilang araw lamang, malinaw na paborito na ang 27 anyos na si Pacquiao.

Siya ay -185 habang ang 30 anyos na si Morales ay +165. Maraming pang tayaan para sa 12 round fight na nakatakda sa Sabado (Linggo sa Manila) sa Thomas and Mack Center.

Ito ang ikatlo at decisive fight sa pagitan ng dalawa. Maaari ding tumaya ang mga sports fans kung aabot ng 12 rounds (-155) o hindi aabot ng 12 rounds (+135).

Sa naunang dalawang laban ng dalawa, paborito rin si Pacquiao kay Morales at sinabi ng Pinoy ring icon na balewala kung anuman ang sasabihin ng mga oddsmaker bago ang laban.

Samantala, kasing dulas naman ng palos ang pagdating ni Erik Morales noong Lunes ng gabi at tumangging magpa-interview sa mga Filipino mediamen na nagtiyagang naghintay ng dalawang oras sa kanyang pagdating sa Wynn Hotel dito.

Sakay ito ng pribadong eroplano mula sa Toluca patungong Texas para sa custom inspection bago dumiretso sa Las Vegas sakay naman ng Ford Excursion patungo sa Wynn Hotel.

Dumating ito ng alas-11 ng gabi kasama ang kanyang ama at trainer na si Jose ngunit dumiretso sa kanyang kuwarto at hindi nagpa-interview sa mga mediamen di tulad ng kanyang nakagawian sa nakaraang dalawang laban kay Pacquiao. (Abac Cordero)

ABAC CORDERO

ERIK MORALES

FORD EXCURSION

LAS VEGAS

LINGGO

PACQUIAO

SPORTS BOOK

THOMAS AND MACK CENTER

WYNN HOTEL

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with