2 gold binaril ni Padilla
November 14, 2006 | 12:00am
Patuloy ang paghahari ni shooting Nathaniel Tac Padilla nang walisin nito ang center fire at standard pistol competition noong Linggo sa National Open Championships sa PNSA/PSC range sa Fort Bonifacio, Makati City.
Ang 42 anyos na si Padilla, general manager ng Spring Cooking Oil, ay nagpaputok ng 566 puntos upang daigin sina Robert Donalvo (563) at Carolino Gonzales (545) sa center fire.
Sinundan niya ito ng pamamayani uli kay Donalvo sa standard pistol nang umiskor ito ng 45 puntos laban sa 39 ng kalaban sa shootoff matapos na magtabla sila sa 535 sa pagtatapos ng regular action. Ikatlo naman si Tito Carpio na may 525.
Isa pang national shooter si Susan Aguado ang kumopo ng dalawang ginto noong nakaraang linggo sa sport pistol at air pistol events.
Si Aguado ay kumamada ng 563 puntos upang daigin si Analon Pardilla (559) at Marly Llorito (538) sa sports pistol at 370 para daigin si Pardilla (352) at Llorito (349) sa air pistol.
Nanaig naman si Carolino Gonzales sa mens air pistol competition sa kanyang 565 puntos.
Ang iba pang mga nagwagi ay sina Ariel Santos sa Action shotgun, Dennis Hernandez, Free rifle (3 position), Allan Azurin, Air pistol (junior men), Diane Sioco, Air pistol (junior women), Rocky Pardilla, Rifle ( prone-men), Frances Nicolle Medina, Rifle (prone-women).

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Latest
Recommended
November 26, 2024 - 12:00am