2 umaatikabong bakbakan sa PBL Silver Cup ngayon
November 14, 2006 | 12:00am
Makaraan ang Hapee-PCU at Sista Super Sealants, apat na koponan naman ang magpipilit na makatikim ng kanilang unang panalo sa 2006 PBL Silver Cup sa Olivarez Sports Center sa Parañaque.
Haharapin ng Toyota Otis-Letran ang TeleTech ngayong alas-4 ng hapon matapos ang upakan ng kapwa bagitong Kettle Korn-UST at Cebuana Lhuillier sa alas-2.
Nakuha ng Teethmasters at Super Sealers ang kani-kanilang unang tagumpay matapos igupo ang Harbour Centre Port Masters, 73-68, at ang Magnolia-San Beda Red Lions, 77-71, ayon sa pagkakasunod, noong Sabado sa San Juan Arena.
Muling ipaparada ng Sparks ni Louie Alas, natalo sa Port Masters sa nakaraang 2006 PBL Unity Cup Finals, sina RJ Jazul, Erick Rodriguez, JP Alcaraz, Mark Balneg, Chris Baluyot at Marvin Cruz, nagmula sa nagbakasyong Granny Goose.
"Basically, ang problema naman ng mga teams ngayon ay yung jelling ng mga players eh," ani Alas. "Sa case namin, nawala sina Boyet Bautista, Aaron Aban and Mark Andaya. So malaking kawalan sila sa team ngayon."
Pamumunuan naman ni dating Magnolia-FEU guard Kim Valenzuela, naglaro sa Ginebra Gin Kings, ang Titans ni Jerry Codiñera katuwang sina Mel Latoreno, Al Magpayo, Eugene Tan at Axel Doruelo.
Sa inisyal na laro, ipaparada ng Kettle Korn-UST ni Pido Jarencio si six-footer Fil-Am Josh Urbiztondo laban sa Cebuana Lhuillier ni Luigi Trillo, ibabandera naman sina Ateneo Blue Eagles Doug Kramer at Macky Escalona.
"Basta kami walang ipapangako sa management except yung palagi lang kaming maglalaro sa abot ng aming makakaya," wika ni Jarencio, naggiya sa UST Growling Tigers sa korona ng 69th UAAP season kontra Blue Eagles.
Maliban sa 23-anyos na si Urbiztondo, humakot ng 11.5 puntos at 3.5 assists sa 2005-2006 season ng National Athletic Intercollegiate Association (NAIA) para sa Fresno Pacific University, aasahan rin ng Kettle Korn-UST sina Jojo Duncil, Allan Evangelista, Jerby Cruz, Japs Cuan, Jun Cortez at Dylan Ababou. (Russell Cadayona)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Latest
Recommended