De Luna muling nagpasiklab
November 10, 2006 | 12:00am
Sinamantala ng umuusbong na cue artist na si Jeffrey de Luna, ang tinaguriang Young Bata ang scratch ni Lee Kunfang at umusad sa Round of 16 sa pamamagitan ng 10-8 panalo sa 2006 Philippines World Pool Championship.
Matalino at maingat na naglaro ang 22 anyos na si De Luna na nagbigay ng matinding pressure kay Lee at nagscratch na nagbigay daan sa batang Pinoy ng opening na kailangan.
"That was a big win. The old man has complete artillery in his arsenal. I upset him," ani De Luna sa kanyang laban kontra sa 39-year-old na si Lee at nakakasiguro na rin ng $4,500 premyo.
Naglalaro sa kanyang ikalawang major international tournament sapul nang makalusot ito sa qualifying tournament, nakipagkarera ito sa magaan na abante bago sinundan ng mga kamalian ni Lee na naglagay sa kanya sa pressure.
Nagpakita ng husay si De Luna, na inaming nagdrop sa paaralan dahil laging natutulog sa klase matapos na maglaro ng magdamagan sa bilyaran, sa kalabang Taiwanese.
Ayon kay De Luna, dismayado siya nang hinayaan niya ang kalaban na makahakot ng eight racks na dapat sana ay anim lamang, ngunit sa dakong huli ay binigyang kasiyahan ang sarili makaraang makatuntong sa Final 16.
Ngunit ang kasiyahan ng mga Pinoy pool fans ay nabalutan ng kabiguan nang yumukod si Lee Van Corteza kay David Alcaide ng Spain, 10-8.
Bagsak sa 9-8 na may tsansang itabla ang iskor, naipuwersa ng Spanish player ang hill-hill battle, naguluhan si Corteza kung anong klaseng tira ang dapat gawin sa 6-ball na may apat pang bola ang dapat ipasok ngunit nagmintis ito na nagbigay daan kay Alcaide nang malinis na tagumpay.
Kasulukuyang nakikipagsarguhan pa sina Efren Reyes, Ronato Alcano, Marlon Manalo, Rudy Morta, Rodolfo Luat at Jherome Peña para makalusot sa Final 16, habang sinusulat ang balitang ito.

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Latest
Recommended